MGA BIBLE VERSE TUNGKOL SA MAGPAKATATAG SA PANANAMLATAYA

 

________________________________________

Filipos 4:13
Kaya kong harapin ang kahit anong kalagayan sa pamamagitan ng tulong ni Cristo na nagpapatatag sa akin.
Filipos 4:13
________________________________________

Isaias 41:10
Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.
Isaias 41:10
________________________________________

Deuteronomio 31:6
Magpakatatag kayo at magpakatapang. Huwag kayong matatakot sa kanila dahil ang Panginoon na inyong Dios ay kasama ninyo; hindi niya kayo iiwan o pababayaan man.
Deuteronomio 31:6
_________________________________________

Isaias 40:30‭-‬31
Kahit ang mga kabataan ay napapagod, nanlulupaypay at nabubuwal, ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina.
Isaias 40:30‭-‬31
________________________________________

1 Corinto 10:13
Walang pagsubok na dumarating sa inyo na hindi naranasan ng ibang tao. Ngunit maaasahan natin ang pangako ng Dios na hindi niya tayo pababayaang subukin ng higit pa sa ating makakaya. Kaya kung dumaranas kayo ng pagsubok, gagawa siya ng paraan para mapagtagumpayan ninyo ito.
1 Corinto 10:13
________________________________________

Exodus 15:2
Ang Panginoon ang nagbibigay sa akin ng lakas, at siya ang aking awit. Siya ang nagligtas sa akin. Siya ang aking Dios, at pupurihin ko siya. Siya ang Dios ng aking ama, at itataas ko siya.
Exodus 15:2 
________________________________________

Efeso 6:10
At bilang pangwakas, magpakatatag kayo sa Panginoon sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan.
Efeso 6:10
 ________________________________________

Deuteronomio 20:4
Sapagkat ang Panginoon na inyong Dios ang sasama sa inyo! Makikipaglaban siya para sa inyo laban sa mga kaaway ninyo at pagtatagumpayin niya kayo!’
Deuteronomio 20:4
 ________________________________________

2 Corinto 12:9‭-‬10
Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, “Sapat na sa iyo ang aking biyaya, dahil ang kapangyarihan koʼy nakikita sa iyong kahinaan.” Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay lagi kong maranasan ang kapangyarihan ni Cristo. Dahil dito, maligaya ako sa aking kahinaan, sa mga panlalait sa akin, sa mga pasakit, pang-uusig at sa mga paghihirap alang-alang kay Cristo. Sapagkat kung kailan ako mahina, saka naman ako pinalalakas ng Dios.
2 Corinto 12:9‭-‬10
 ________________________________________

Josue 1:9
Alalahanin mo palagi ang bilin ko sa iyo: Magpakatatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot o kayaʼy manghina, dahil ako, ang Panginoon na iyong Dios, ay sasaiyo kahit saan ka pumaroon.”
Josue 1:9
________________________________________

2 Timoteo 1:7
Sapagkat hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.
2 Timoteo 1:7 
________________________________________

Salmo 46:1
Ang Dios ang ating kanlungan at kalakasan. 
Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan.
Salmo 46:1
________________________________________

Juan 16:33
Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito para magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, pero magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na ako laban sa kapangyarihan ng mundo.”
Juan 16:33
________________________________________

Salmo 29:11
Ang Panginoon ang nagbibigay ng kalakasan sa kanyang mga mamamayan, at pinagpapala niya sila ng mabuting kalagayan.
Salmo 29:11
________________________________________

Mateo 6:33
Kaya unahin ninyo ang mapabilang sa kaharian ng Dios at ang pagsunod sa kanyang kalooban, at ibibigay niya ang lahat ng pangangailangan ninyo.
Mateo 6:33
________________________________________

Salmo 23:4
Kahit dumaan ako sa pinakamadilim na libis, hindi ako matatakot dahil kayo ay aking kasama. Ang dala nʼyong pamalo ang sa akin ay nag-iingat; ang inyo namang tungkod ang gumagabay at nagpapagaan sa aking kalooban.
Salmo 23:4
_______________________________________

Salmo 118:14
Ang Panginoon ang aking kalakasan at siya ang aking awit. Siya ang nagligtas sa akin.
Salmo 118:14
________________________________________

Isaias 12:2
Kayo, O Dios ang aking Tagapagligtas. Magtitiwala po ako sa inyo at hindi matatakot. Kayo, Panginoon, ang nagbibigay ng lakas sa akin, at kayo ang aking awit. Kayo nga ang nagligtas sa akin.”
Isaias 12:2
________________________________________

Isaias 40:29
Pinalalakas niya ang mga nanghihina at ang mga napapagod.
Isaias 40:29
________________________________________

Salmo 27:1
Ang Panginoon ang aking ilaw at Tagapagligtas. Sino ang aking katatakutan? Siya ang nagtatanggol sa akin kaya wala akong dapat katakutan.
Salmo 27:1
________________________________________

Salmo 31:24
Magpakatatag kayo at lakasan ninyo ang inyong loob, kayong mga umaasa sa Panginoon.
Salmo 31:24
________________________________________

Salmo 73:26
Manghina man ang aking katawan at isipan, kayo, O Dios, ang aking kalakasan. Kayo lang ang kailangan ko magpakailanman.
Salmo 73:26
________________________________________

Marcos 12:30
Kaya mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas!’
Marcos 12:30
________________________________________












Comments