Mateo 6:9-15

Pananalangin
Mateo 6:9-15
9 Ganito kayo mananalangin,
'Ama naming nasa langit,
sambahin nawa ang iyong pangalan.
10 Nawa'y maghari ka sa amin.
Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.
11 Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw; a
12 at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.
13 At huwag mo kaming hayaang matukso,
kundi iligtas mo kami sa Masama!' b
14 "Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit. 15 Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang iba, c hindi rin naman patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan."

Comments