![]() |
Ang akala ng tao lahat ng kilos niya'y wasto, ngunit si Yahweh lang ang nakakasaliksik ng puso.
Mga Kawikaan 21:2 RTPV05
|
![]() |
Higit na kalugud-lugod kay Yahweh kaysa mga handog ang mga gawang makatuwiran at makatarungan.
|
![]() |
Ugaling mapangmata at pusong mapagyabang, ito ang siyang gabay ng mga makasalanan.
|
![]() |
Ang mabuting pagbabalak ay pinapakinabangan, ngunit ang dalus-dalos na paggawa'y walang kahihinatnan.
Mga Kawikaan 21:5 RTPV05
|
Ang masama'y ipinapahamak ng sariling karahasan, pagkat ayaw gawin ang talagang katuwiran.
Mga Kawikaan 21:7 RTPV05
Ang landas ng may sala ay paliku-liko, ngunit ang lakad ng matuwid ay laging wasto.
Mga Kawikaan 21:8 RTPV05
Ang isip ng masama'y lagi sa kalikuan, kahit na kanino'y walang pakundangan.
Mga Kawikaan 21:10 RTPV05
Ang isip ng masama'y lagi sa kalikuan, kahit na kanino'y walang pakundangan.
Mga Kawikaan 21:10 RTPV05
Alam ng Diyos ang nangyayari sa loob ng bahay ng masama, at siya'y gumagawa ng paraan upang sila'y mapariwara.
Mga Kawikaan 21:12 RTPV05
Ang hindi pumapansin sa daing ng mahirap, daraing din balang araw ngunit walang lilingap.
Mga Kawikaan 21:13 RTPV05
Kung ang kapwa mo ay may hinanakit, regaluhan mo nang palihim, mawawala ang galit.
Mga Kawikaan 21:14 RTPV05
Kapag umiiral ang katarungan, natutuwa ang matuwid, ngunit nalulungkot ang masama at may likong pag-iisip.
Mga Kawikaan 21:15 RTPV05
Ang lumilihis sa daan ng kaalaman ay hahantong sa kamatayan.
Mga Kawikaan 21:16 RTPV05
Ang taong maluho at mahilig sa alak ay di yayaman, bagkus sa hirap siya'y masasadlak.
Mga Kawikaan 21:17 RTPV05
Ang masamang balak sa taong matuwid ay babalik sa liko ang pag-iisip.
Mga Kawikaan 21:18 RTPV05
Mas mabuti ang mag-isang manirahan sa ilang kaysa makisama sa asawang madaldal at palaaway.
Mga Kawikaan 21:19 RTPV05
Ang bahay ng matalino'y napupuno ng kayamanan, ngunit lahat ay winawaldas ng taong mangmang.
Mga Kawikaan 21:20 RTPV05
Ang lumalakad sa daan ng katuwiran at katapatan ay nagkakamit ng buhay at karangalan.
Mga Kawikaan 21:21 RTPV05
Ang pumipigil sa kanyang dila ay umiiwas sa masama.
Mga Kawikaan 21:23 RTPV05
Ang taong makasarili ay palalo at mapang-api.
Mga Kawikaan 21:24 RTPV05
Ang patotoo ng sinungaling ay di papakinggan, ngunit ang salita ng tapat ay pahahalagahan.
Mga Kawikaan 21:28 RTPV05
Alam ng matuwid ang kanyang hinaharap, di tulad ng masama, nagkukunwa, nagpapanggap.
Mga Kawikaan 21:29 RTPV05
Ang kaalaman ng tao, unawa o karunungan ay di makatutulong kung si Yahweh ay kalaban.
Mga Kawikaan 21:30 RTPV05
Ang kabayo'y naihahanda para sa digmaan, ngunit tanging si Yahweh ang nagbibigay ng tagumpay.
























MORE TAGALOG BIBLE VERSES
Comments
Post a Comment