 |
Ang alak ay nagpapababa sa dangal ng isang tao, kaya isang kamangmangan ang magpakalulong dito.
Mga Kawikaan 20:1 RTPV05
|
 |
Ang poot ng hari ay parang leong umuungal, ang gumalit sa kanya'y nanganganib ang buhay.
Mga Kawikaan 20:2 RTPV05
|
 |
Ang marangal na tao'y umiiwas sa kaguluhan, ngunit ang gusto ng mangmang ay laging pag-aaway.
Mga Kawikaan 20:3 RTPV05
|
 |
Ang taong tamad sa panahon ng taniman ay walang magagapas pagdating ng anihan.
Mga Kawikaan 20:4 RTPV05
|
 |
Tulad ng tubig na malalim ang isipan ng isang tao, ngunit ito'y matatarok ng isang matalino.
Mga Kawikaan 20:5 RTPV05
|
 |
Sinasabi ng bawat isa na siya ay tapat, ngunit kahit kanino sa kanila'y hindi ka nakakatiyak.
Mga Kawikaan 20:6 RTPV05
|
 |
Kung ang isang ama'y namumuhay sa katuwiran, mapalad ang mga anak na siya ang tinutularan.
Mga Kawikaan 20:7 RTPV05
|
 |
Sa pagluklok ng hari upang igawad ang kahatulan, walang matatagong anumang kasamaan.
Mga Kawikaan 20:8 RTPV05
|
 |
Sino ang makakapagsabi na ang puso niya'y malinis at di namuhay sa kasamaan kahit isang saglit?
Mga Kawikaan 20:9 RTPV05
|
 |
Ang mandarayang timbangan at mandarayang sukatan, kay Yahweh ay parehong kasuklam-suklam.
Mga Kawikaan 20:10 RTPV05
|
 |
Kahit ang bata ay makikilala sa kanyang mga gawa; makikita sa kanyang kilos kung siya ay tapat nga.
Mga Kawikaan 20:11 RTPV05
|
 |
Ang taingang nakakarinig at matang nakakakita, parehong si Yahweh ang siyang maylikha.
Mga Kawikaan 20:12 RTPV05
|
 |
Matulog ka nang matulog at ika'y maghihirap, ngunit maganda ang iyong bukas kung ika'y magsisikap.
Mga Kawikaan 20:13 RTPV05
|
 |
Ang sabi ng mamimili, “Ang presyo mo'y ubod taas.” Ngunit pagtalikod ay ipinamamalitang nakabarat.
Mga Kawikaan 20:14 RTPV05
|
 |
Ang taong nakakaalam ng kanyang sinasabi, daig pa ang may ginto at alahas na marami.
Mga Kawikaan 20:15 RTPV05
|
 |
Ang sinumang nananagot sa utang ng iba, dapat kunan ng ari-arian bilang garantiya.
Mga Kawikaan 20:16 RTPV05
|
 |
Anumang nakuha sa pandaraya ay parang masarap na pagkain, ngunit kapag tumagal ay para kang kumain ng buhangin.
Mga Kawikaan 20:17 RTPV05
|
 |
Ang mabuting payo ay kailangan para magtagumpay; kung hindi ka handa huwag nang pumalaot sa labanan.
Mga Kawikaan 20:18 RTPV05
|
 |
Ang lihim ay nahahayag dahil sa mga tsismis, kaya huwag kang makisama sa taong makati ang dila.
Mga Kawikaan 20:19 RTPV05
|
 |
Sinumang magmura sa kanyang magulang, parang ilaw na walang ningas ang wakas ng kanyang buhay.
Mga Kawikaan 20:20 RTPV05
|
 |
Ang perang hindi pinaghirapan, kung gastusin ay walang hinayang.
Mga Kawikaan 20:21 RTPV05
|
 |
Huwag mong gantihan ng masama ang masama; tutulungan ka ni Yahweh, sa kanya ka magtiwala.
Mga Kawikaan 20:22 RTPV05
|
 |
Si Yahweh ay napopoot sa panukat na di tama, siya ay namumuhi sa timbangang may daya.
Mga Kawikaan 20:23 RTPV05
|
 |
Si Yahweh lamang ang nagtatakda ng ating landasin; kaya huwag ipagyabang ang iyong lakbayin.
Mga Kawikaan 20:24 RTPV05
|
 |
Bago mangako sa Diyos ay isiping mabuti, upang hindi ka magsisi sa bandang huli.
Mga Kawikaan 20:25 RTPV05
|
Comments
Post a Comment