Salmo 18:16‭-‬24

At mula sa langit akoʼy inabot nʼyo at inahon mula sa malalim na tubig.  Iniligtas nʼyo ako sa kapangyarihan ng aking mga kalaban na hindi ko kayang labanan.  Sinalakay nila ako sa oras ng aking kagipitan. Ngunit sinaklolohan nʼyo ako, Panginoon .  Dinala nʼyo ako sa lugar na walang kapahamakan dahil nalulugod kayo sa akin.  Pinagpala nʼyo ako dahil akoʼy namumuhay sa katuwiran. Sa kalinisan ng aking kamay akoʼy inyong ginantimpalaan.  Dahil sinusunod ko ang inyong kalooban, at hindi ko kayo tinalikuran, Panginoon na aking Dios.  Tinutupad ko ang lahat ng inyong utos. Ang inyong mga tuntunin ay hindi ko sinusuway.  Alam nʼyong namumuhay ako ng walang kapintasan, at iniiwasan ko ang kasamaan.  Kaya naman akoʼy inyong ginagantimpalaan, dahil nakita nʼyong matuwid ang aking pamumuhay.
Salmo 18:16‭-‬24 ASND

Comments